Binay All The Way

Alam kong di na lingid sa kaalaman ng lahat ang kontrobersya ng mga Binay. May alam ka man sa pulitika o wala, alam mo lahat ng balita dahil sa social media lalo na sa Facebook. Doon makikita mo mapa larawan o mapa artikulo. Totoong balita pati na ang mga gawa ng galit sa pamilyang ito.

Ang hinaing ng pamilyang Binay ay pinupulitika sila. Kinakawawa o pinagtutulungan. Partly, sa tingin ko ay may punto sila. Bakit nga naman ngayon lang naglalabasan ang mga kaso nila ngayong nalalapit na ang national election na kung saan tatakbo ang amang Binay sa pagka Presidente. Pagkaupo pa nga lang sa pagka Bise Presidente ay nangangampanya na sya sa pamamagitan ng pamimigay ng mga relief goods na may muka nya. Isa lang ang sigurado ko; light color ang plastic ng mga relief goods na pinamimigay nya, dahil kung hindi…

Partly. May halong pamumulitika ang mga bintang sa mga Binay. Pero bakit ayaw nilang humarap sa mga mamamayan o sa paglilitis lalo na sa amang Binay?

Kung wala mang katotohanan ang mga bintang at puro pamumulitika lang, matagal na silang binigyan ng pagkakataon na pabulaanan ang mga akusasyon.

Lahat naman ng mga inaakusahan ng kamalian, maliit man o malaki, ay nagnanasang marinig ang kanilang panig para madepensahan ang sarili.

Pero iba ang mga Binay.

Dahil matagal na nga silang binigyan ng pagkakataon, anong hinihintay nila?

Ang maging presidente ang ama.

Kapag naging presidente nga naman ang ama, immune na sya sa mga akusasyon o paglilitis. Kontrolado na rin nya ang kaso ng anak na mayor.

Jopet SisonAng presidente po ng bansa ay may immunity sa mga kaso na ipapatong laban sa kanya. Ibig sabihin, hindi po pwedeng kasuhan ang presidente. Ipeachment muna bago ang kaso para sa pagkabilanggo o pananagutan sa batas. Hindi ba, Jopet?

Isang taon na lang naman. Wala naman silang kailangang gawin kundi ang patuloy na pagkibit-balikat sa mga issue.

At kung tatanungin mo naman kung paano sya mananalo bilang Presidente, salamat. Ibig sabihin ay nagiisip ka.

Pero kung sigurado ka naman na sya ang mananalo dahil sa sya ang nararapat, nakikiramay ako sa bawat mamamayang Pilipino.

Kung ako ang tatanungin, hindi imposible. Pero wag naman sana.

Pero hindi imposible.

Duterte vs Binay

Nanalo si Erap, remember?

At naging Mayor pa. At nangangarap pang tumakbo uli sa pagka presidente!

Naaalala mo ba si Jalosjos? Yung pulitikong nakulong dahil sa rape? Nakatakbo pa yun, di ba? Hindi nakatakbo para tumakas. Nakatakbo para kumandidato sa Konggreso.

Nakakulong na, nakatakbo pa! AT NANALO PA!!! 

Kaya nga wala pa sigurong epekto ang mga kasong ibinabato sa mga Binay. Mukang kampante pa ang pangalawang pamilya. Di po kerida. Pangalawang pamilya ng bansa dahil Bise presidente si Mar Binay. Este, Jejomar Binay.

Speaking of Mar, eh kung eto nga naman ang kalaban ni Binay, eh Hasta La Vista Pilipinas na. We are terminated na.

Mar 'Padyak' Roxas

Tuluyan na kasing napagiwanan si Mar sa kanyang pedicab.

Pero hindi ba obvious na ang hindi nila pagharap sa paglilitis, sa publiko, o sa mga interview man lang eh may itinitago sila?

Nagsabi pa nga si Nancy tungkol sa hindi pagdalo ng ama sa hearing, “I think mas maraming mas mahalagang gagawin ang ating Vice President kaysa pumunta pa sa hearing na iyan.” (Na kasalukuyang nangangampanya sa Pangasinan)

Aray ko.

Gusto kong umiyak at tumawa.

Sampal sa muka ko yun. Sino nga naman ako, tayo, para harapin ng kanyang ama? Tayo lang naman ay maliliit na mga tax payers na pinagnanakawan, este, pinagkukunan ng sahod nilang pamilya.

At ano nga naman sa kanila kung ayaw natin sa kanila? Marami naman silang solid supporters at marami pang makukuha.

Gift Certificate worth 500 lang at isang balot ng champoy mananalo na sila.

Kung may balak kang ihalal ang matandang Binay bilang Presidente, isipin mo nalang ang mga sumusunod:

Naaalala mo ba:

  1. Ang kasong overpricing sa pagpapagawa ng city hall ng Makati.
    – Parking palang, P2 Billion na.
  2. Ang questionable na kinita ni Binay bilang Bise presidente.
  3. Ang Binay dynasty.
    – Alam naman nating lahat na ang dynasty sa pulitika ay walang maganda maidudulot base na rin sa mga nagdaang pamahalaan. Kaya nga ayaw natin at pinipigilan ang anumang dynasty sa pulitika. Pero ang mga Binay, baka maubusan ng myembro ng pamilya para umupo sa gobyerno.
  4. Ang dummy ni Binay.
    – Oo. Talagang madami ang mga Binay na nakaupo sa gobyerno. Pero hindi ito yung ibig kong sabihin. Ito yung panlilinlang sa publiko na hindi makita ang kanyang mga tunay na ari-arian.
  5. Ang paghahari-harian ni Junjun nang hindi sya papasukin sa isang subdivision sa Makati.
    – Mayor palang yan. At ang ibig sabihin lang nito, walang pribado sa pamilyang Binay. Kaya nilang pasukin pati ang palikuran mo kung gugustuhin nila.
Junjun on Makati Village

image by Inquirer.net

Sa kabila ng patong-patong na kaso at kontrobersiya ng pamilya, kung sa tingin mo ay si Binay pa rin at sya lang ang nararapat bilang Presidente, bigyan mo nalang ako ng champoy.

 

Nio2 Please share daddy’s story!

No comments yet.

Leave a Reply