I'll Sleep When I'm Dead

Gusto mo bang lumagay sa tahimik?

Ang paglagay sa tahimik ay isang kasabihan na ang ibig sabihin ay pag-aasawa. Noong araw, sa di kalayuang panahon, pag mag aasawa ka na, sasabihing lalagay ka na sa tahimik.

Pero merong mga mapagbiro (o mga hindi masaya sa buhay may asawa) na ang pag-aasawa raw ay hindi dapat tawaging pag lagay sa tahimik. Dapat daw ay paglagay sa gulo. Dahil mas magulo raw ang buhay may asawa kumpara sa buhay mag-isa o single.

Pano nga ba lumagay sa tahimik? Ano nga ba ang tunay na katahimikan?

Sa gulo ng mundo ngayon, hindi ka na makakasumpong ng katahimikan. Kahit sa sementeryo pa yan (dahil tambayan na ng mga drug addict o kaganapan ng rape minsan. At bukod sa mga patay, marami na rin ang mga ‘nangungupahan’ o umo-occupy tulad ng mga squatters), o mapa gabi pa yan (tulad ng mga videoke o mga motor na walang tambutso na rumoronda sa hatinggabi).

Makakasumpong ka nalang ng katahimikan kung ikaw ay mamaalam na. Yumao na; tsugi, tigok, dedo, nag abroad (sa teleserye) o sa diretsahang salita, patay na.

Para sa akin, ang paglagay sa tahimik ay akmang akma sa kamatayan. Pero hindi ko naman inihahalintulad ang pag aasawa sa kamatayan. Masaya po ang aking buhay may-asawa. Ang tinatalakay ko po ay ang literal na katahimikan, hindi ang kasabihan.

RIPMas lalong umakma ang paglagay sa tahimik sa kamatayan sa katagang “Rest In Peace”. Mapayapa na. Namahinga na. At tunay na mapapahinga ka lang pag tahimik na. Rest In Peace o Mamahinga sa Katahimikan.

Yun lang.

Just a thought. Naglaro lang sa isipan ko. Ang lalim, ano po?

Pasensya na po kung nasayang ko ang panahon na ginugol nyo sa pagbabasa nitong blog na ‘to.

‘Wag nyo po sanang hayaang masira ang reputasyon ko sa post na ito ngayong nalaman nyo na wala kayong napala sa pagbabasa ng post na ito. Hayaan nyo nalang po na makabawi ako sa susunod. ‘Wag po kayong madadala.

Bilang pampalubag loob, bibigyan ko nalang kayo ng milk tea. O di kaya ay durian o mangosteen candy, macapuno o iba pang kakanin.

Durian and Mangosteen candy Macapuno

No comments yet.

Leave a Reply