While we are always advised to treat life light and less seriously, we know that we cannot always apply this in all of the aspects in our life. Treating life seriously and less seriously has its own advantages and disadvantages.
Last week, napanood ko ang isa sa mga favorite kong personalities na si Lourd de Veyra sa kanyang show. I was so busy that I can’t totally focus on the show pero there’s one thought that I heard from his narration na nakapagbigay sa akin ng munting liwanag sa gitna ng dilim: “Tayong mga pinoy ay hindi seryoso sa mga problema. Lahat ng bagay ay dinadaan natin sa tawa at biro.” (sentence paraphrased).
Sa isang kaisipan at salita lang, maraming nang mga bagay at katanungan ang nasagot tulad halimbawa ng “Bakit baligtad magbasa ng libro ang mga Pilipino?”
Bakit nga ba baligtad magbasa ng libro ang mga Pilipino? Dahil ba sa corruption? Katamaran? Maling sistema?
Marami tayong mga problema na bunga ng hindi magagandang asal. “Kaya ‘di umunlad ang Pilipinas, eh.” Nandyan ang pagiging makasarili, ‘talangka mentality, manyana habit, ningas kugon, ‘pwede na yan’, ‘bahala na’, at marami pang iba.
Ang maigsing mga katagang nanggaling kay Meastro Lourd ay sagot sa maraming agham at misteryo na bumabalot sa pag-uugali ng mga Pilipino.
Nakikita natin ang mga palpak na produkto, serbisyo at sistema bilang katatawanan at hindi problema. Ginagawa nating katatawanan ang mga pulis patola, buwayang politiko, makupad na proseso sa gobyerno, kamangmangan o cutting classes, kawalang ng pera, baha, traffic, at marami pang iba. We incredibly find them funny that we don’t care to find solution for them.
Naaliw tayo sa mga karakter nila Kevin Cosme at John Puruntong. May katwiran tayong ayos lang ang maging mahirap basta masaya at KUNTENTO. Yun na nga. Nakuntento tayo sa pagiging mahirap. Niyakap natin ang pagiging mahirap. Wala akong sinasabing masama ang pagiging mahirap (at hindi rin ako defensive). Pero kung magagawa natin maging Ason o Donya Delilah, bakit hindi?
Madali rin tayong makalimot sa mga problema. Pag-hupa ng baha, ayos na. Patuloy na uli ang buhay na parang walang nangyari at parang hindi na uli babagyo. Pag-gising sa umaga, nakalimutan na ang masungit na kawani ng gobyerno, ang mabagal na proseso sa munisipyo, ang traffic, ang na-snatch na cellphone, kawalan ng hustisya, at marami pang iba. Ang problema, hindi na nahanapan ng solusyon. Pano na bukas? Pag bumagyo uli? Pag kinailangan mo uling maglakad ng papeles sa munisipyo? Pag ginabi ka sa daan? Pag naagrabyado ka? Ayun, patuloy nating pinapasahod si Sungit government employee, patuloy ang pangit na serbisyo, traffic uli, babaha na naman, at nakaupo na naman si Cong. Waya. Dahil ang lahat ng ito ay biro at katatawanan.
Maaaring tayo ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero nakakaduda na ang pagiging masayahin ng mga Pilipino. Parang sobra na yata na nagmumuka ng…
Tinatawanan ba natin ang problema dahil sa kawalan ng solusyon o tinatawanan nalang natin ang problema dahil mas madali ito kesa humanap ng solusyon? Mas masarap ang mapagod sa katatawa kesa sa mapagod sa kaiisip at pagtatrabaho.
Gusto nyo ng nakakatawa? Ito ang nakakatawa. Magtawanan tayo!
- Larawan ng isang-dosenang maliliit na batang nagugutom sa isang pamilya.
- May sakit na anak o magulang na hindi madala sa hospital o hindi mabili ng gamot dahil walang pera.
- Nasirang mga bahay at namatay na mga mahal sa buhay dahil sa baha sanhi ng basura.
- Rape
- Hold-up
- Massacre
- Carnap
- at kawalang hustisya dahil sa pulis patola o kawalan ng pangil ng batas.
- Panloloko at pagnanakaw ng mga pulitiko sa bulsa ng mga ordinaryong mamamamyan.
- Traffic sa EDSA at bilyun-bilyong kita ng gobyerno at kumpanya na nasasayang.
- Pagpapasan sa mga mamamayan ng mga utang at ‘nakakatawang’ transaksyon sa gobyerno at pribadong serbisyo katulad ng kuryente at LRT.
- Ingay ng humahagibis na motor na walang tambutso tuwing ala 1:00 ng umaga.
- Halimuyak at tanawin ng mga gabundok na basura sa mga kanto.
- Ang 2 oras na byahe na dapat ay 30 mins. lang dahil sa pamamasahero ni mamang tsuper sa gitna ng maluwag na highway sa Linggo ng umaga.
- Pagkasira ng pamilya dahil sa bisyong alak at sugal.
- Si tatay o si bunso na napatay ng mga lasing o addict. Wala lang. Napag tripan lang.
- Sila Mayor, Congressman, at Senator, na lumalangoy sa pera at gumagastos ng milyong dolyar sa tiket ng laban ni Pacquiao habang kumakalam ang sikmura ng mga ordinaryong mamamayan.
- At marami pang iba.
Lahat ng ito, dahil sa ginagawa nating katatawanan ang problema at hindi pagseryoso sa paglutas ng mga suliranin.
Dapat muna nating seryosohin ang ating mga sarili bago tayo seryosohin at irespeto ng mga banyaga. The Japanese, Chinese, Koreans, and Singaporeans have earned respect from Western nationalities. Kaya natin yan. Naniniwala ako sa talento nating mga Pilipino. Mga tao rin naman yang mga yan eh. Wala silang ginagawa na ‘di natin kayang gawin.
This new year, I would say that it’s time to get more serious, take the first step, and mean real business. This will eliminate the joke in us. Oks ba?
Marami pa akong hindi naisamang ‘katatawanan’. Maaari pang magdagdag ng mga nakakatawa.